Malungkot ako ngayon. Who cares? Sorry hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan. Hindi pa kasi ako ganun katapang na ipaalam kahit kanino. Noong hayskul ako, sabi sa akin ng isang teacher ko, sumulat daw kapag nag-uumapaw ang emosyon mo. Doon daw kasi lalabas lahat sa sinulat mo. In my case, masyado akong malungkot. Gustuhin ko mang ilabas ang lahat sa blog na ‘to, hinding hindi pwede. Maging kulang man sa kabuluhan ang entry na ‘to, pabayaan mo na lang. Ang importante naman ay medyo nababawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Oh c’mon.
Naluluha ako habang nagtatype. Actually, tumutulo na nga yung luha sa kanang mata ko (teka, punasan ko lang muna). Huwag mo naman sanang isiping baliw ako. Umiiyak ako hindi dahil sa walang dahilan. Meron. Simple nga lang eh. Abnormal nga ata ako kasi ‘yun lang iniiyakan ko. Funny noh? LOL. Natatawa tuloy ako. Limitado at kontrolado kasi ang paggamit ko ng mga salita habang nagsusulat ako. Isang maling salita lang, bistado ako. Hahaha.
Anyway, ang hirap ng ganito. Bakit kaya hindi pwedeng kontrolin ang damdamin ng tao? Yung tipong pipiliin mo kung kanino ka magtitiwala, ililihis mo ang atensyon mo sa mga bagay na sa kalaunan ay alam mo namang hindi mo makukuha, o kaya naman ay yung pigilin yung damdamin mo kung alam mong sa huli ikaw din ang masasaktan. Kung sa bagay, choice ko rin naman siguro ang masaktan. Kasalanan ko din. Pwede ko namang hindi ‘yun isipin, pero sadyang hindi ko lang talaga mapigilan.
Sanayan lang siguro ang sikreto sa kaso ko. As early as now, dapat matutunan ko na kung paano masanay sa ganitong estado. Nakakainis kasi bakit kelangang maging ganito palagi? Wala na bang pagbabago? Tama na. Okay lang naman siguro kung sarili ko naman ang tulungan ko.
0 comments:
Post a Comment