Ngayon nakahanap na ako ng patotoo sa kasabihang, wala talagang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. Lahat lumilipas.
Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, normal ang lahat. Walang espesyal. Walang nasa cloud nine. Katamtaman lang. Isang araw, pag-gising ko, iba na. May motibasyon. May saya. May excitement. Bigla-bigla, napansin ko na wala nang thrill. Boring na. Hindi na nakakatuwa. Nakakasakit na.
Akala ko noon, eto na ‘yun. Iba kasi this time. As in ibang iba. Pero as usual, lahat naman ng akala mali, ‘di ba? Kanina lang nagtapos yung panaginip ko :’)
Para akong hinulog mula sa cloud nine. Nagising ako at na-realized ko na napapahaba na at napapasarap na ang pagkakahimbing ko. Akala ko totoo na, pero eto, panaginip nanaman pala ang lahat.
Kamusta naman ‘yun? Nakakabitin yung saya. Ganito ba ang epektong dala ng mahabang sembreak sa akin? Na-mimiss ko lang ba ng sobra sobra ang mga kaibigan ko? Ang lungkot-lungkot ko. Sa sobrang lungkot kung anu-anong mga bagay na ang pumapasok sa isip ko. Lilipas din ‘to. Makakalimutan ko din ‘to. Sana lang ASAP. Ang hirap kasi.
2 comments:
I'd been searching for Ryan's blog, and then abruptly, the google-blog search engine directed me to yours...
Nice blog! Keep writing...
http://www.alchriscreatedhisgalaxy.blogspot.com/
Thank you po! :)
Post a Comment