Pages

Sunday, October 24, 2010

Noon At Ngayon

Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko alam bakit naging ganito bigla ang mood ko. Dahil siguro textmates ko nitong mga nakaraang araw ang ilan sa mga highschool friends ko. Ayun, halos kamustahan at kung anu-anong usapan tungkol sa mga bagay-bagay na naganap sa kanya-kanya naming mga buhay matapos ang mag-dadalawang taon na pagkakahiwa-hiwalay namin pagkatapos ng highschool ang kadalasang topic. 


Itong isa kong classmate, hanggang ngayon wala talagang gustong ibang pagusapan kundi ang buhay ko. Masyado ata nya akong na-miss kaya ganun na lang ang pagiging mapag-usisa niya sa text. Nagsimula sa Hi, hello. Natanong na nya ako kung kamusta ang studies ko, at nagtapos sa isang usapan na ang topic namin ay si *toot* ehem.


Sa maghapong pakikipagtextmate ko sa kanya, napansin kong andami na talagang nangyari sa loob ng dalawang taon. Sabi ko pa nga sa kanya, mas makabubuting magkita na lang kami sa personal dahil mahirap ikwento ang lahat sa text. Sumang-ayon naman siya. Dahil dito, nagkaroon tuloy ng biglaang reunion kaming mga magkakaklase noong highschool. Simple gathering lang daw, sabi ng organizer. 


Gaya ng nasabi ko kanina, narealized ko na andami-dami ng mga nangyari. Eto ang ilan sa mga iyon, na sabi ko sa kaibigan ko ay paguusapan na lang namin pag nagkita na kami sa personal:

  • Kung paano ako naka get-over sa isang hindi masyadong magandang experience with a guy-friend sa loob ng mahabang panahon. *ehem*
  • Ang pagkakaroon ng gulo at medyo ‘matinding’ hindi pagkakaintindihan sa amin ng isang former friend na naging classmate namin noong highschool. *wooot*
  • Ang pag-iwas at pagkakait na ginagawa ng girlfriend ng isang kaibigan namin na lumipad na patungong Australia.
  • Ang mga bagay-bagay na pinagkaka-abalahan namin ngayon.
  • Ang mga plano namin para sa hinaharap, at marami pang iba…


Gustung-gusto kong pag-usapan yung huli nitong mga nagdaang araw. Andami-dami ko nang plano na nasa isip ko. Mga plano na talagang pinagdarasal ko, na sana ay matupad ko naman this time. Seryoso ako. Walang halong biro. May nakahain na akong plano para sa 2nd year (2nd sem) at para sa mga darating pang taon. Masyado man akong advance, ang importante ay nagseset na ako ng goal ngayon. Hindi naman siguro masama ‘di ba? Ang gusto ko kasi this time, meron nang direksyon. Yung hindi ako nangangapa sa dilim.


Nalalapit na rin akong tumuntong sa legal na edad. Higit sa apat na buwan na lamang ay magdi-disi-otso na ako. Ang bilis ‘di ba? Parang kailan lang gustung-gusto kong magkaroon ng magarbong selebrasyon para sa okasyon na iyon, pero ngayon, ‘tila nawalan na ako ng gana. Ayoko na. Ganyan talaga ang tao noh? Pabago-bago ang isip. Paano ba naman kasi, naisip ko lang, masyado atang magastos. Nakakapagod din iyon kung tutuusin. Ilang buwang preparasyon ang gugugulin para sa isang gabing pagtitipon, at pagkatapos ano? Wala na. Iiwan kang nakatunganga at butas ang bulsa.


Ayokong isipin na baka kaya ganito akong mag-isip ngayon ay dahil sa tumatanda na ako. Hindi naman sa takot akong tumanda, pero ayoko pa sana. Na-eenjoy ko pa ang teenage life ko. Anu’t-anupaman, isa lang naman ang gusto kong tumbukin sa sulatin kong ito. At yun ay kung paano naging iba ang Noon at Ngayon sa buhay ko.

0 comments:

Post a Comment