On this day of your life, Angeline, we believe God wants you to know … that God is there for you to hold on.
Hold on to what is good, even if it’s a handful of earth. Hold on to what you believe, even if it’s a tree that stands by itself. Hold on to what you must do, even if it’s a long way from here. Hold on to your faith, even if it’s easier to let go. Hold on to God’s hand.
Ang galing ‘di ba? Eksaktong-eksakto. Kakatwa dahil kahit na sa isang application lamang galing sa Facebook ang mensaheng yan, para bang pinaka-pili sya para sa akin. Sa mga pagkakataong ganito na medyo malungkot ako at may iniisip, nakaka-blessed yung feeling na para bang andyan talaga Siya sa tabi mo para palakasin ka at i-comfort ka. Sa simpleng mensahe ng application na ‘yan, na-remind ako na kaya pala ako namumrublema at nagpapapekto sa iilang mga bagay na iniisip ko, ay dahil sa tila nakakalimutan ko na na lagi lang Siyang nandyan para sakin. Gaya ng sabi sa itaas, “hold on to your faith” daw. Yun ang nakalimutan kong gawin.
Simpleng bagay pero anlaking epekto sa akin. Parang biglang may tumapik sa balikat ko, at nagmulat sa mata ko na nagsasabing hindi Niya ako iiwan sa lahat ng oras. I love You, Lord. Thank You for everything…
0 comments:
Post a Comment