Pages

Tuesday, October 26, 2010

Broken

Sinong nagsabi na ang pagiging brokenhearted ay applicable lamang sa mga taong sinaktan ng bf/gf/crush/MU nila? 


Brokenhearted ako ngayon. Sobra. Hindi ito dahil sa taong gusto ko, kundi dahil sa taong itinuring kong kaibigan noon. Masakit isipin na kung umasta sya ay parang wala kaming ni katiting na pinagsamahan noon. Bagamat marami siyang ginawa na nakasakit sa akin at sa iba ko pang mga kaibigan, nirerespeto ko pa rin sya. Iyon kasi ang usapan. Usapan na makatutulong sana na maayos ang lahat kung tutuparin at paninindigan, pero hindi eh.


Bago kami maghiwahiwalay, nagkasundo kaming wala nang magsasalita ng mga masasakit na bagay patungkol sa kahit sino sa amin sa ibang tao. Yun bang pagkatapos ng bangayan, panahon na para tumahimik at magkaroon ng maayos na closure sa pagitan namin. Napagkasunduan din namin na patuloy pa ring itago yung mga sikretong alam namin bilang mga magkakaibigan noon. Akala ko [namin], ayos na at doon na nagtatapos ang istoryang siya naman talaga ang bumuo at pinagmulan. Gayunpaman, marami talaga ang namamatay sa maling akala.


Okay, pasintabi. Magiging maselan po ang susunod na mga talata :)


Heto nanaman at balik nanaman siya sa dati nyang gawi. Malamang hindi naman siya talaga tumigil na manira at gumawa ng istorya. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang taong sanay at dalubhasa na sa ganyang gawain? WALA. Naiinis ako dahil naniwala nanaman ako sa kanya noong mangako siya sa amin na hindi na sya magsasalita ng masasama laban sa kahit sino sa aming magkakaibigan. Naiinis ako kasi for the nth time, nauto nanaman niya ako. Naiinis ako kasi wala akong magawa kundi ang mainis lang sa kanya dahil gustuhin ko man siyang sampalin, bugbugin, bungiin, at tadyakan sa adam’s apple (na dapat sana’y wala siya, dahil babae sya), hindi ko naman pwedeng gawin dahil pwede akong makulong kapag ginawa ko iyon.


Pero teka? Bakit naman ako patuloy na maiinis at magpapa-apekto sa kanya kung pwede ko namang ibulgar sa lahat (lalo na sa pamilya nya) ang lahat ng mga ginagawa niya? Pwede ko namang i-message sa facebook o i-text lahat ng mga sikreto nya? Bakit nga ba hindi? Hmmm. Hindi. Hindi ko gagawin iyon hangga’t maaari. Alam ko naman na once na ibulgar ko sya sa kanila, kawawa sya. Masisira ang buhay nya. Malamang masampal, mabugbog, mabungi at matadyakan sya sa adam’s apple sa bahay nila pag nagkataon. Sa ngayon, hindi ko muna gagawin ‘yun. Pero malay natin sa hinaharap, di ba? :)


Ako na po ang harsh. Sorry naman. hehe.

2 comments:

rocker eri said...

the last time sa isa mong blog di ako makapagpost comment. but hopefully mapost ito.

well angie, kung sa tingin mo makakatulong para magbago sya kung sasabihin mo sa family nya..go for it. KUNG naman di nmn na makakatulong...better not to tell. Isampal mo sa mukha nya na you're not like her. Don't go with her level.

PS. Leave room for God's wrath. Please read Rom.12:17-21

God bless Bubbly Angie!

coldamethyst said...

oo nga eri. mgrrelax una ako :) pbyaan na natin kusang mbuking sya haha =) harsh ><

Post a Comment