Pages

Saturday, October 16, 2010

SEMBREAK is ♥

Sino ba ang hindi gusto at hindi nag-eenjoy sa relaxation na dulot ng sembreak? Malamang yun lang mga nerd at mga estudyanteng nabubuhay at nag-aaral lamang para sa baon. Ibahin mo ako, sa ngayon, kasalukuyan kong ine-enjoy ang sembreak ko. :)


Sa totoo lang, medyo busy pa nga ang sembreak na meron ako eh. Mantakin mo, MWF pumupunta ako ng school para sa radio program namin? Okay naman, don’t get me wrong. Hindi ko sinasabing pabigat ang pagiging radio volunteer ko. Pinili ko ito at nag-eenjoy ako. Isa pa, bukod sa nahahasa ang kakayahan ko sa pagsasalita sa radyo, nalilibang ‘din ako. Mas mainam na ang ganito kaysa magdaan ang isang semestral break na nagmumukmok at nagpapataba ako sa bahay.


Gabi na naman, nalalapit na naman akong abutin ng madaling araw mula sa pagkaka-upo ko dito sa harap ng kompyuter. Ganito ko kadalasang sulitin ang sembreak ko. Malabo kasing mangyari ang mga ganitong eksena kapag may pasok. Oo, inaabot ako ng madaling araw noong mga panahong may klase pa, pero hindi dahil sa pag-fafacebook, blogger, tumblr, twitter atbp. kundi dahil sa maraming mga gawain sa paaralan. Kapag may pasok, limitado ang tulog. Pero ngayong sembreak, gaano man kahaba ang tulog ko at abutin man ako ng tanghali sa kama, ayos lang. Wala naman kasing naghihintay sa akin na first subject sa paaralan. Sarap no? :)


Bago mag-umpisa ang sembreak na ‘to, andami-dami ko sanang balak gawin. Sabi ko sa sarili ko mag-aaral akong mag-play ng isang musical instrument, guitar o kaya piano. Sabi ko rin, magvo-voice lessons ako. Sabi ko rin, bibili ako ng mga librong pwede kong basahin para naman hindi ako masyadong mainip dito sa bahay. Pero ano? Wala pang natutupad kahit alin sa mga ‘yan, hahaha. Hindi naman kasi ako nabobore. Kapag nag-oonline ako, sinusubukan kong mag-blog at i-develop ang ilan sa mga social networking sites na meron ako. Sinimulan ko na ring gamitin at gawing active ang twitter at tumbler accounts ko. Na-miss ko din kasi ang pagsusulat ng blog :) Kung dati-rati sa facebook ko madalas pinu-publish ang mga notes ko, atleast ngayon may blogsite na talaga ako. 


Isa rin sa mga binabalak kong gawin ngayong sembreak ay ang magbasa ng magbasa. Mukhang interesting ang mga subjects namin sa darating na sem kaya gusto kong magkaroon ng kaunting background kahit papaano. Bukod sa pagbabasa, balak kong i-spend ang bakasyon ko sa pamilya ko. Bagamat madalas silang wala dito, atleast pag-uwi nila, nandito naman ako. Dati kasi gabi na rin akong umuwi galing school at pag-uwi ko, matutulog na ako kaagad dahil sa sobrang pagod. This sembreak is also a time for me to catch-up with my friends. Marami kasi sa kanila, hindi ko na masyadong nakakasama dahil masyado nga akong abala sa school. Now is the time para makipag-meet sa kanila at bumawi :)


O sya, napapahaba na itong sinusulat ko. Ramdam kong bumabagsak na mata ko kaya itutulog ko na ‘to. Goodnight!

0 comments:

Post a Comment