Pages

Monday, November 15, 2010

An Eye for an Eye

Do not repay anyone evil for evil. Be careful to do what is right in the eyes of everybody. If it is possible, as far as it depends on you, live at peace with everyone. Do not take revenge, my friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "It is mine to avenge; I will repay," says the Lord. (Romans 12:17-19)
Honestly speaking, I feel like some people don't like me because I don't actually spend time pleasing them or befriending them. I don't know. It's just that, I'm not that kind of person and I don't want to be admired by them for simply acting to be somebody else. In my entire life, I've been in a few misunderstandings with different people, but unfortunately, this one's different. This situation is a little bit difficult and I believe, it will really take a very very long time before this issue will be settled. Why? Because this person I'm talking about never really liked me as a friend, or at least, as a person.

Habang tumatagal pala, nakakasawa. That's what I realized. I was very bitter that time and all I want to do is to take revenge as an exchange for all the pains and bad things that this person has done not only to me but also to other people. Later on, I noticed that I'm becoming tired of defending myself (or my friends) from the things she said against me/us. Indeed, if you know that you're not doing anything against anyone, there's no reason for you to be guilty or worried. As long as you are aware that you're not doing anything bad that will harm or offend others, there's nothing to be afraid of.

Guess I'm done with this. I know thinking about her and her attitude is unhealthy and just a waste of time. After all the prayers and self-talk I've done for the past months, I think I'm ready to move on and let go of the grudges I have in my heart. Now, every time that I'll find myself bitter, probably I'll just remind myself that I'm done with her and being bitter won't do me any good. I learned from her and I'm better now :)
Do not be overcome by evil, but overcome evil with good.(Romans 12:21)

Wednesday, November 10, 2010

REKLAMADOR

Nakakainis isipin na maraming tao ang pinipiling magreklamo muna bago gawin ang isang bagay. I mean, kung may isang bagay na dapat gawin, bakit sa halip na simulan na kaagad, may ilang ang dami munang alam sabihin at ireklamo bago kumilos?

Aaminin ko, paminsan-minsan ay reklamador din naman ako. Halos lahat naman ata ng tao, kapag tinamaan ng sumpong, at hindi trip gawin ang isang bagay, ganoon ang initial reaction. Sa kabila ng pagiging aminado ko na reklamador ako kung minsan, agad naman akong nakakaget-over sa ganoong mood at saka na ako magsisimulang gawin and nararapat gawin. Nakakairita lang kasi na yung ibang mga tao, parang hindi na ata maka- move on sa kakareklamo patungkol sa mga bagay-bagay. Kaya naman ayun, ang ending, walang matinong naaaccomplish.

Naalala ko tuloy bigla yung isang kaklase ko noon na sobrang reklamador. Madalas, kapag binibigyan kami ng assignment sa klase, unang-una mo siyang maririnig na may komento. Masyado daw mahirap yun assignment, andami-daming pinaparesearch, at kung anu-ano pa. Buong akala ko, makakaligtas na ako sa nakakarinding reklamo nya pagkatapos ng klase. Pero ayun, makikita mo na magpahanggang sa mga social networking sites, gaya ng Facebook, ay nakakapagreklamo pa rin sya! Aaaahh!! Grabe talaga. Sa halip kaya na magpabagu-bago sya ng status sa fb (na puro reklamo lang naman ang nilalaman), bakit hindi nya subukang simulan na ang dapat simulan para mabawas-bawasan naman ang trabaho nya?!

Hindi ako nagmamagaling at lalong hindi ko sinasabi na mas alam ko ang tama para sa taong iyon. Ang sa akin lamang, habang may sapat pang oras para gawin ang isang bagay, bakit hindi pa gawin 'di ba? Sa halip na aksayahin ang panahon sa kakareklamo at kaka-isip ng negatibo, bakit hindi ito ilaan sa mas makabuluhan at mas pakikinabangan? 

Time is Gold. Gasgas man at nangungulapo na, totoo at may sense naman. 

Friday, November 5, 2010

Second Day...

Kahit na alam kong wala ako sa mood para magsulat ng medyo matinong blogpost, ayoko pa ring palampasin ang araw na ito na wala akong maisusulat na kahit ano. Astig kasi ng mga pangyayari today. Funny, Scary, Nakakainis, Nakaka walang-gana, at Nakaka-inspire. Okay, so eto na, sisimulan ko na ha? Pagpasenyahan mo na lang, medyo magulo nyan. Hehehe.

Okay. So for today, ang first class namin ay 7 o'clock in the morning. Mas na-enjoy at mas may nangyari naman today compared sa 1st day namin kahapon. So anu-ano nga ba ang ilan sa mga nangyari sa araw na 'to?

First class namin ang Philippine Constitution. Though medyo kinakabahan ako sa prof namin dahil isa syang Attorney, okay naman at nag-enjoy ako ng sobra. Feeling ko nga isa ang subject na 'to sa mga ma-eenjoy ko this sem. Nakakatuwa kasi funny ang prof, pero medyo scary nga lang. Kinabahan ako nung mahuli yung dalawang friends ko na nag-uusap at ayun, napagdiskitahan/nahuli nya. Pero gayunpaman, ayos pa rin. Kahit medyo scary yung ginawa nyang pagpin-point sa friend ko na katabi ko that time, hindi pa rin nun nabago ang excitement ko na mag-aral at maging student nya :)

Second subject ang walang kamatayang NSTP. Walang class dun, kasi walang teacher. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapanatag sa kakaisip kung sino ang magiging prof namin dun para sa sem na 'to. Si Ma'am C kaya ulit? Hmmmm. Ok lang siguro kung sya, pero sana wag naman para maiba. Sana, kung sino man ang magiging prof namin sa NSTP ngayon, wag naman sanang pa-major. Rugo, maawa naman sila sa amin, MAKISAMA naman po sana kayo... Pag minor, wag pa-major, please! =)

3rd subject ay yung Rizal's Life, Works, and Writings. Thank God, yung dati naming adviser noong 1st year ang prof namin ngayon :) Ang sweet pa nya nung inamin nya samin na kami daw ang favorite nya. Hahaha. Honestly, isa sya sa mga teachers sa AUF na idol na idol ko. Kahit medyo mahirap sa class nya noong 1st year kami, sulit naman kasi marami kaming natutunan.

Malamang, ang masaklap na parte lang noong mga oras na nagkaklase kami sa Rizal ay yung pagbibigay ng groupings. Akalain mong of all people, yung nag-iisang tao pa na hinihiling kong 'wag ko sanang maka-grupo, eh sya pang naka-group ko! Funny na nakakainis, pero wala akong magagawa kundi kalimutan yun at mag move on. Wala akong magagawa, for sure marami pang mga pagkakataon na makakasama ko ang taong iyon (na itago natin sa pangalang KAMIAS MAKAHIYA) sa mga group works, activities, atbp. Haaaay...

Last subject naman ay Radio, Scriptwrting, and Directing. Scary din yung subject na yun kasi for sure, super iba nyan. Hindi na kagaya dati na kapag gumagawa kami ng outputs, medyo pwede pang pa-easy easy. Pero I believe, kakayanin 'to! :) Basta think positive!

Akala ko, magiging okay na ang buong araw ko. Uwian na sana at mag-re-radio program na ako eh. Kaya lamang, MAY NAGTEXT nanaman! hahaha. Panira ng moment eh. Naisip ko tuloy, mabuti sigurong wag ko nalang basahin ang text message nun, erase na lang kaagad ( Ako na po ang MEAN >< ). Promise, mula bukas, hindi na ako papa-apekto. LOL.

Matapos mawala sa mood dahil sa isang unwanted text mula sa isang kaibigan, nagdecide akong wag ulit mag-attend ng radio program sa araw na 'to. Napakasama ko, iniwan ko ang partner ko ng nagiisa. Diretso ako kaagad sa Newborn Screening Center sa tabi ng University Hostel para magpa-set ng interview sa Director ng Administrative Services. Doon kasi ako pinapunta nung receptionist sa AUFMC. Pagdating ko doon sa NBS Center, naghintay ako ng mga 30 minutes bago may lumabas na tao saka sinabi sa akin na hindi daw doon iiwan ang letter, doon daw sa Executive Offices sa may hospital. Bongga! Sa madaling salita, nagpunta ako sa AUFMC. Unfortunately, wala raw ang Director. Balikan ko na lang daw yung letter sa Monday :((

Sa kabuuan, yan ang ilan lamang sa mga naganap sa araw na 'to. Again, may isang blogpost nanaman ako na categorized as non-sense. Goodnight! :)

Wednesday, November 3, 2010

Bye Sembreak... Hello, 2nd Sem!

Hindi ko masasabing napahinga ako ng lubos sa nagdaang sembreak na ito. Gayunpaman, ayos lamang. Para sakin ay naging makabuluhan naman ang nakaraang tatlong linggo ng sembreak ko.
So ano nga ba ang pinagkaabalahan ko nitong mga nakaraang linggo?
Una. Isa akong volunteer sa radio station ng AUF—ang DWAU 104.1 FM. Dahil dito, nagpupunta ako, kasama ng aking mga kapwa volunteers, sa school para mag-dj sa kanya-kanya naming mga radio programs at time slots. Aaminin kong medyo nakakapagod ang magpunta sa school lalo na kung ganitong sembreak. Minsan nga eh natutukso pa akong mag-stay na lang sa bahay at magpahinga kesa mag-attend ng isang episode sa aming radio program. Pero mabuti na lamang at nalampasan ko ‘yun at heto, balik eskwela na. At least ngayon, mas magiging madali para sa amin ang magpunta sa radio station kasi pumapasok na rin kami.
Oo, medyo nakakapagod nga ang pagpunta ng school para mag-dj pero kung susumahing mabuti, ‘di hamak na mas marami naman akong natutunan at mas naging makabuluhan naman ang sembreak ko ng dahil dito. Kung hindi siguro ako volunteer sa radio station, malamang, pangunahing pinagkakaabalahan ko ay ang pagkain at pagpapalaki ng katawan sa bahay.
Ikalawa. Ang sembreak na ito ay nagsilbing chance para sa akin para i-meet muli ang ilan sa aking mga high school friends na magdadalawang taon ko nang hindi nakakausap at nakakamusta ng maayos. Kahit pa nagkikita kami paminsan-minsan sa school, alam naman nating hindi sapat ang ilang minuto para magkamustahan at magkwentuhan kami patungkol sa mga bagay-bagay na nagaganap sa aming mga buhay di ba? Sa madaling salita, nagkita kami ng ilang friends ko at nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-bonding kahit papaano.
Ikatlo. Nakapagsulat na rin ako ng iilang mga posts sa aking blog. Matagal ko nang gustong bigyang buhay ang blogsite kong ito, pero due to time constraints, at dahil sa sandamakmak na requirements at activities sa school, hindi ko magawang makasulat ng kahit isang maikling blogpost. Kung meron man, buwan ata ang bibilangin bago ito masundan ng bagong entry. Naging active din ang twitter account ko ngayong sembreak. Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon na akong 268 tweets (oh di ba, proud! Haha). Naging pamilyar na rin ako sa paggamit nito. Gayundin naman sa aking tumblr account. Natuto na ako kung paano magpost at magreblog (Wow, achievement!). Kahit papaano ay medyo masy sense na ang laman nito, kumpara sa dati.
Ika-apat. Nakapanood na ako ng TV. Hindi naman talaga ako mahilig manood ng TV eh. Ewan ko kung bakit. Madalas, pag nanunuod ako, puro balita lang tapos konting soap operas tapos wala na. Hindi rin ako pamilyar sa klase ng mga commercials na makikitang ipinapalabas sa TV. Kaya nga ngayong sembreak, nagkaroon ako ng chance na obserbahan ang ilan sa mga commercials ngayon. Nakakatuwa ang ilan, pero marami ang nakakainis. Nagtataka nga ako bakit may ilang mga commercials na pinapayagang i-ere sa telebisyon gayong wala namang good values na maaring mapulot dito. Hindi ba nila naisip na may mga batang manunuod din na pwedeng maimpluwensyahan ng mga commercials na ito? Sabi nila, walang mali sa mata ng mga bata, kaya sana naman ay i-filter muna ng mabuti ang ipinapalabas sa TV bago ibalandra sa publiko (Okay, tama na ang pagmamarunong kahit wala akong alam, hahah).
Ikalima. Nakabawi ako sa tulog. Noong kasagsagan ng 2nd year (1st sem), sabi ko: Kung mayroon mang kulang sa akin ngayon, hindi iyon pera, kaibigan o boyfriend kundi TULOG. Salamat naman at nakabawi ako kahit papaano nitong mga nakaraang linggo. Panigurado, isa ang pagtulog ng gabi at paggising ng tanghali sa mga bagay na mamimiss ko kapag may pasok na.
Ngayong second semester, masasabi kong excited naman ako na pumasok at mag-aral ulit. Exciting naman para sa akin ang mga subjects. Sana ganoon din ang mga professors. Kinakabahan man, alam kong magiging masaya din ang sem na ‘to. Paniguradong isang araw, mabibigla na lang ako at ma-rerealize ko na ang bilis ng panahon. Sa isang iglap nyan, tapos na ang 2nd sem at makikita ko ang sarili kong naghahanda na para sa Ikatlong taon sa kolehiyo. Sana lang ay matupad ko ang pangako ko sa aking sarili na mag-aaral na ako ng mabuti ngayong sem na ito. Goodluck sa akin! Haha.
Oh, pano ba ‘yan. Tatapusin ko na ‘to. Medyo napapahaba na rin eh. Goodnight! May pasok pa ako bukas! :)

KDY.

This morning, when I woke up, I don’t know why the first person that popped out of my mind was you. Hey, don’t get me wrong. I’m not saying that I like you, probably, I just miss you. I really don’t want to wake up early, but the ringing of my mobile phone awakened my sleepy mind. I was surprised to see your name flashed on the screen of my phone. 
Seeing your name first thing in the morning made me miss you more.


It’s funny how when I need someone to talk to, you’re always there. You’ve been a good friend to me ever since, but I never had the chance to thank you for all the good things you’ve done for me. I don’t know why but sometimes, I think I don’t deserve to have you as a friend. I mean, I’m not a good listener when you’re telling me stories. I tend to pay attention to other things when you’re talking to me, and you know that. When we’re talking on the phone, I always screw things up making you irritated and I always start our arguments which later lead to small misunderstandings. Despite all these, you never stopped being enthusiastic in maintaining our friendship. Though it’s a little bit difficult because we’re from different schools, you still find time to visit and hang-out with me and my friends.


While I’m typing these words and as I think of all the sacrifices you’ve done just to catch up with me, It made me thankful for having you as one of my treasured friends in life. How can I repay you for being such a good person? I wish to have you in my life forever :)