Pages

Tuesday, April 5, 2011

BORINGGG...

Ang tagal ko nang gustong bigyan ng kasunod yung last post ko dito sa blogger kaso ang problema, bagamat gusto kong magsulat, hindi naman ako makahagilap ng mga salitang maaaring gamitin para maiparating ang mensaheng nais kong sabihin.

•••

Ang hirap magdiet kapag bakasyon. Pakiramdam ko, walang oras na nakakaramdam ako ng gutom. Nag-aalala ako na baka sa pasukan hindi ko na maisara yung palda ko. Higit sa lahat, nag-aalala ako na baka hindi na ako makilala ng mga classmates ko dahil sa katabaan 'ko. 

Pressured ako. Pano ba naman kasi, yung mga kaibigan ko kagaya na lamang nila Choco, Jom at Ariane, masyadong weight-conscious. Ayoko namang maging tampulan ako ng tukso kapag nagkita-kita kami ulit. Haha.

•••

Noong isang araw na-badtrip ako. Paano ba naman kasi may isa akong kaibigan (?) na kung makapagsalita, gayun na lamang ipamukha sa akin ang isang bagay na wala ako. Malamang hindi mo gets kung ano yun. Paniguradong kami lang dalawa ang makakaintindi. Anyway, ang sa akin lang, hindi ibig sabihin na magkaibigan kayo ng isang tao ay may karapatan na syang panghimasukan ang buhay mo. Distansya at kontrol naman, kapatid. Lumugar ka kung saan ka dapat.

•••

Sa totoo lang, mahilig akong mag-stalk sa FB. Nagpapasalamat nga ako dahil walang 'Who's Viewed Me?' dun kumpara sa Friendster. Marami akong nalalaman sa pag-sstalk ko. Nakaka-enjoy naman sya, lalo na kapag may mga pagkakataong wala akong magawa online. Wala lang, na-share ko lang.

•••

Sinusubukan kong maging active ulit sa blogger, twitter at tumblr. Kaninang nag-log in ako sa twitter, may iilan akong new follower requests. Napansin kong inaalikabok na ang mga account ko sa social networking sites na 'to.  At the moment, i'm searching for backgrounds na pwedeng ipalit sa current background ng twitter account ko. :)

•••

Tinatamad na akong magsulat. :) Matapos ang lahat ng mga pinagsasabi ko sa blog post na 'to, naisip ko na baka wala naman talaga akong gustong iparating sa makakabasa (kung meron man) bago ko pa man simulan ang pagsusulat nito. Wala lang, trip ko lang sigurong magsulat para naman kahit papaano mabawas-bawasan ang inip na nararamdaman ko ngayon. Hahaha. K.

0 comments:

Post a Comment