Pages

Wednesday, November 10, 2010

REKLAMADOR

Nakakainis isipin na maraming tao ang pinipiling magreklamo muna bago gawin ang isang bagay. I mean, kung may isang bagay na dapat gawin, bakit sa halip na simulan na kaagad, may ilang ang dami munang alam sabihin at ireklamo bago kumilos?

Aaminin ko, paminsan-minsan ay reklamador din naman ako. Halos lahat naman ata ng tao, kapag tinamaan ng sumpong, at hindi trip gawin ang isang bagay, ganoon ang initial reaction. Sa kabila ng pagiging aminado ko na reklamador ako kung minsan, agad naman akong nakakaget-over sa ganoong mood at saka na ako magsisimulang gawin and nararapat gawin. Nakakairita lang kasi na yung ibang mga tao, parang hindi na ata maka- move on sa kakareklamo patungkol sa mga bagay-bagay. Kaya naman ayun, ang ending, walang matinong naaaccomplish.

Naalala ko tuloy bigla yung isang kaklase ko noon na sobrang reklamador. Madalas, kapag binibigyan kami ng assignment sa klase, unang-una mo siyang maririnig na may komento. Masyado daw mahirap yun assignment, andami-daming pinaparesearch, at kung anu-ano pa. Buong akala ko, makakaligtas na ako sa nakakarinding reklamo nya pagkatapos ng klase. Pero ayun, makikita mo na magpahanggang sa mga social networking sites, gaya ng Facebook, ay nakakapagreklamo pa rin sya! Aaaahh!! Grabe talaga. Sa halip kaya na magpabagu-bago sya ng status sa fb (na puro reklamo lang naman ang nilalaman), bakit hindi nya subukang simulan na ang dapat simulan para mabawas-bawasan naman ang trabaho nya?!

Hindi ako nagmamagaling at lalong hindi ko sinasabi na mas alam ko ang tama para sa taong iyon. Ang sa akin lamang, habang may sapat pang oras para gawin ang isang bagay, bakit hindi pa gawin 'di ba? Sa halip na aksayahin ang panahon sa kakareklamo at kaka-isip ng negatibo, bakit hindi ito ilaan sa mas makabuluhan at mas pakikinabangan? 

Time is Gold. Gasgas man at nangungulapo na, totoo at may sense naman. 

0 comments:

Post a Comment