Pages

Friday, November 5, 2010

Second Day...

Kahit na alam kong wala ako sa mood para magsulat ng medyo matinong blogpost, ayoko pa ring palampasin ang araw na ito na wala akong maisusulat na kahit ano. Astig kasi ng mga pangyayari today. Funny, Scary, Nakakainis, Nakaka walang-gana, at Nakaka-inspire. Okay, so eto na, sisimulan ko na ha? Pagpasenyahan mo na lang, medyo magulo nyan. Hehehe.

Okay. So for today, ang first class namin ay 7 o'clock in the morning. Mas na-enjoy at mas may nangyari naman today compared sa 1st day namin kahapon. So anu-ano nga ba ang ilan sa mga nangyari sa araw na 'to?

First class namin ang Philippine Constitution. Though medyo kinakabahan ako sa prof namin dahil isa syang Attorney, okay naman at nag-enjoy ako ng sobra. Feeling ko nga isa ang subject na 'to sa mga ma-eenjoy ko this sem. Nakakatuwa kasi funny ang prof, pero medyo scary nga lang. Kinabahan ako nung mahuli yung dalawang friends ko na nag-uusap at ayun, napagdiskitahan/nahuli nya. Pero gayunpaman, ayos pa rin. Kahit medyo scary yung ginawa nyang pagpin-point sa friend ko na katabi ko that time, hindi pa rin nun nabago ang excitement ko na mag-aral at maging student nya :)

Second subject ang walang kamatayang NSTP. Walang class dun, kasi walang teacher. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapanatag sa kakaisip kung sino ang magiging prof namin dun para sa sem na 'to. Si Ma'am C kaya ulit? Hmmmm. Ok lang siguro kung sya, pero sana wag naman para maiba. Sana, kung sino man ang magiging prof namin sa NSTP ngayon, wag naman sanang pa-major. Rugo, maawa naman sila sa amin, MAKISAMA naman po sana kayo... Pag minor, wag pa-major, please! =)

3rd subject ay yung Rizal's Life, Works, and Writings. Thank God, yung dati naming adviser noong 1st year ang prof namin ngayon :) Ang sweet pa nya nung inamin nya samin na kami daw ang favorite nya. Hahaha. Honestly, isa sya sa mga teachers sa AUF na idol na idol ko. Kahit medyo mahirap sa class nya noong 1st year kami, sulit naman kasi marami kaming natutunan.

Malamang, ang masaklap na parte lang noong mga oras na nagkaklase kami sa Rizal ay yung pagbibigay ng groupings. Akalain mong of all people, yung nag-iisang tao pa na hinihiling kong 'wag ko sanang maka-grupo, eh sya pang naka-group ko! Funny na nakakainis, pero wala akong magagawa kundi kalimutan yun at mag move on. Wala akong magagawa, for sure marami pang mga pagkakataon na makakasama ko ang taong iyon (na itago natin sa pangalang KAMIAS MAKAHIYA) sa mga group works, activities, atbp. Haaaay...

Last subject naman ay Radio, Scriptwrting, and Directing. Scary din yung subject na yun kasi for sure, super iba nyan. Hindi na kagaya dati na kapag gumagawa kami ng outputs, medyo pwede pang pa-easy easy. Pero I believe, kakayanin 'to! :) Basta think positive!

Akala ko, magiging okay na ang buong araw ko. Uwian na sana at mag-re-radio program na ako eh. Kaya lamang, MAY NAGTEXT nanaman! hahaha. Panira ng moment eh. Naisip ko tuloy, mabuti sigurong wag ko nalang basahin ang text message nun, erase na lang kaagad ( Ako na po ang MEAN >< ). Promise, mula bukas, hindi na ako papa-apekto. LOL.

Matapos mawala sa mood dahil sa isang unwanted text mula sa isang kaibigan, nagdecide akong wag ulit mag-attend ng radio program sa araw na 'to. Napakasama ko, iniwan ko ang partner ko ng nagiisa. Diretso ako kaagad sa Newborn Screening Center sa tabi ng University Hostel para magpa-set ng interview sa Director ng Administrative Services. Doon kasi ako pinapunta nung receptionist sa AUFMC. Pagdating ko doon sa NBS Center, naghintay ako ng mga 30 minutes bago may lumabas na tao saka sinabi sa akin na hindi daw doon iiwan ang letter, doon daw sa Executive Offices sa may hospital. Bongga! Sa madaling salita, nagpunta ako sa AUFMC. Unfortunately, wala raw ang Director. Balikan ko na lang daw yung letter sa Monday :((

Sa kabuuan, yan ang ilan lamang sa mga naganap sa araw na 'to. Again, may isang blogpost nanaman ako na categorized as non-sense. Goodnight! :)

2 comments:

The Bard said...

Comm3 loves Sir Yabut nak. You'll love him too. Good luck. Well, actually, super lucky na kayo to have him. And I commend your patience as my anak. Thanks big time. lablab :))

coldamethyst said...

Yes, Dad! Exciting talaga yung subject and sya syempre. :) Knwento nya nga kau samin, taas daw grades nyo sa kanya =)

Post a Comment