Hindi ko lang maintindihan kung bakit ilan sa mga tao, ang hilig-hilig manghusga at pumuna ng mga bagay na mali sa iba habang sila mismo ay may kanya-kanya rin namang mga kapintasan. Hey, wala ngang taong perpekto 'di ba? Siguro sadyang likas lang sa ibang tao ang bumigkas ng mga destructive words. 'Yun bang hindi buo ang araw nila kapag wala silang nalalait o napapansing depekto sa kapwa nila tao.
Aminado naman ako na minsan, nagagawa ko ring makapamintas sa iba. Yung tipong may dumaan sa harap namin ng mga kaibigan ko, sabay-sabay naming mapapansin, tapos makakakita kami ng isang bagay na maaaring pagkatuwaan sa taong iyon, tapos wala na. Kadalasan, nagagawa namin/ko iyon sa mga taong HINDI NAMIN KILALA. Mga tao na pintasan man namin, hindi naman nya magagawang malaman, kasi nga, hindi nya kami kilala at hindi nya kami narinig.
Nasubukan ko na rin namang mamintas ng HARAP-HARAPAN. 'Yung tipo namang sa kaibigan ko mismo sinasabi kung ano yung bagay na katawa-tawa sa kanya. Ayos lang naman 'yun e. Harapan naman at hindi kapag nakatalikod sya. Isa pa, kung pipintasan ko/namin sya, sigurado namang pabiro iyon at WALANG IBANG NAKAKARINIG na maaaring ika-offend nya.
Walang taong perpekto. Ako at ikaw, pareho lang tayong may mga uling sa mukha. Kung nanaisin mo man na punahin ang uling sa mukha ng iba, siguraduhin mong napahid mo na yang sandamukal na black thingy na nasa mukha mo.
0 comments:
Post a Comment