Pages

Friday, September 3, 2010

RED

Ilang tao pa ba ang sasaktan mo?

Bakit hindi ka pa magbago?

Bakit hindi ka magpaka-totoo?

Hindi mo ba kayang panindigan lahat ng mga sinabi mo?


Haaayyy... paulit-ulit na lang. Maniniwala na sana ako eh, kaso bakit naguumpisa ka nanaman? Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkaganyan. Sinasabi ko na nga ba't hindi kita talaga mapagkakatiwalaan. Pasumpa-sumpa ka pa, hindi mo rin pala paninindigan. BAKIT KA GANYAN!? LOL

Hindi ka na nakuntento sa pagkasira ng 'pagkakaibigan' natin. Pati pagkakaibigan ng iba, pinanghihimasukan mo na. Kelan ka ba magbabago? Naniniwala naman ako na matino pa ang takbo ng utak mo. Ang pinagtataka ko lang, kung totoong matino pa ang lagay nyan, bakit sa halip na gamitin mo ng maayos eh ginagamit mo pa para mamerwisyo ng iba?


Okaay. Ako nang napaka-tagalog. LOL. Makatulog na nga!

0 comments:

Post a Comment